Wednesday, July 21, 2010

Game K N B?

Marahil ika'y nagtataka sa mga katagang iyong nababasa. Ngunit huwag mabahala sapagkat ang mga susunod na mga ideya ay sumasalamin lamang sa nais ipahayag ng abang manunulat..


DROGA -- isang salita ngunit may dalawang mukha. Isang bagay na kayang magdulot ng lunkgot at tuwa. Bakit nga ba ito'y napakahalaga at kailangang pagtuonan ng pansin? Iyong pagmasadan ang ating kapaligiran, may napapansin ka ba? Mag-ingat ka, baka adik na ang iyong nakakasalamuha.


Drug Testing, marapat bang ito'y sundin? Kung ako ang inyong tatanuning, hindi ko ito kakagatin. Simple lamang ang akin dahilan, halina't inyong pakinggan.


Lahat ng tao'y isinisilang sa mundong balot ng karahasan. Bagama't sanggol pa lamang, lahat ng kasalanan ay mararanasan. Kung inyong susuriin, ang pagiging adik ay isang parte nito. Maaaring iwasan ngunit mahirap sulusyunan. Laganap kahit saan, maging sa mga eskwelahan. Kaya't pilit na ipinapanukala na ipa-drug test ang bawat estudyante.


Ang akin lamang, kung sa simula't sapul pa lamang ay mahigpit nang naipatutupad ang mga batas na kinukundena ang paggamit ng bawal na gamot, edi sana walang mga buhay na nasisira, nasasayang, nalulustay. Ang drug testing ay isa lamang panakip sa maling butas. Ang tunay na problema ay ang talamak na bentahan ng droga sa bansa, hindi ang kung sino ang gumagamit nito. Sila ay mga biktima lamang na naipit sa kapabayaan ng maiilan nating kababayan. Kung ang tunay na hangarin ng gobyerno ay ang ikabubuti ng sambayanan, ito ang aking mungkahi. Drug testing sa mga eskwelahan? Hindi ang tamang sandigan.


Iyan ay pawang opinyon lamang sa aking nagninilay-nilay. Maraming salamat.


...


Puzzled as to why I used my native language? It's simple. The only way to penetrate into someone's mind (in a convincing way) is through his native language. It is a lot easier to express something that is natural in you, same as it is easier to comprehend one's ideas if contextualized to his thinking, especially in an issue concerning his motherland. = }




-SIDETRACK-
Back stabbed? Look at the brighter side. It only means that you are in front. = }

0 comments:

Post a Comment